1Malapit na sina Hesus sa Jerusalem. Pagdating nila sa nayon ng Betfage na nasa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Hesus ang dalawa sa kanyang alagad
2at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang asno na nakatali, kasama ang anak nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin.
3Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.”