Mateo 21

Sapagkat dumating sa inyo si Juan na Tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, ngunit hindi kayo naniwala. Subalit ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya.

Matthew 21:32 (UKJV) For John came unto you in the way of righteousness, and all of you believed him not: but the publicans and the harlots believed him: and all of you, when all of you had seen it, repented not afterward, that all of you might believe him.

30“Lumapit din ang ama sa bunso at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang bunso, ‘Opo,’ ngunit hindi naman siya pumunta.

31“Sino ngayon sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sumagot sila, “Ang panganay.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna pa sa inyong makapasok sa kaharian ng Diyos.

32Sapagkat dumating sa inyo si Juan na Tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, ngunit hindi kayo naniwala. Subalit ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya.

33“Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar.

34Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.