Mateo 22

Kaya pinapunta nila kay Hesus ang ilan sa kanilang mga kasamahan at ang ilan sa mga alagad ni Herodes. Sinabi ng mga ito, “Guro, alam po namin na totoo ang mga sinasabi ninyo. Itinuturo nʼyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Wala kayong pinapanigan, dahil hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao.

Matthew 22:16 (UKJV) And they sent out unto him their disciples with the Herodians, saying, Master, we know that you are true, and teach the way of God in truth, neither care you for any man: for you regard not the person of men.

14“Marami ang tinatawag ng Diyos, ngunit kakaunti ang pinili.”

15Umalis ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila mahuhuli si Hesus sa kanyang mga pananalita.

16Kaya pinapunta nila kay Hesus ang ilan sa kanilang mga kasamahan at ang ilan sa mga alagad ni Herodes. Sinabi ng mga ito, “Guro, alam po namin na totoo ang mga sinasabi ninyo. Itinuturo nʼyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Wala kayong pinapanigan, dahil hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao.

17Ano sa palagay nʼyo? Nararapat po bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?”

18Ngunit alam ni Hesus ang masama nilang balak, kaya sinabi niya, “Mga pakitang-tao! Bakit ninyo ako sinusubok?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.