22Namangha sila nang marinig ang sagot ni Hesus, kaya iniwan nila siya.
23Sa araw ding iyon, lumapit at nagtanong kay Hesus ang ilang mga Saduceo. Sila ang mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.
24Sinabi nila, “Guro, sinabi ni Moises na kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa asawa niya, dapat pakasalan ng kanyang kapatid ang naiwan niyang asawa upang magkaanak sila para sa kanya.
25Noon ay may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid.
26Ngunit namatay din siya na wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo hanggang sa ikapitong kapatid.