41Habang nagkatipon-tipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Hesus,
42“Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Mesias? Kaninong angkan siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.”
43Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung gayon, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, sa patnubay ng Espiritu? Ito ang sinabi niya,
44‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’
45Kung tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, paano siya naging lahi lang ni David?”