10Huwag din kayong magpatawag na tagapagturo dahil iisa lang ang inyong Tagapagturo, walang iba kundi ang Mesias.
11Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.
12Ang sinumang itinataas ang kanyang sarili ay ibababa ng Diyos, at ang nagpapakababa ay itataas ng Diyos.
13“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Isinara ninyo ang kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga gustong pumasok. [
14Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Dinadaya ninyo ang mga biyuda upang makuha ang kanilang mga ari-arian, at pinagtatakpan ninyo ang inyong mga masasamang ginagawa sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Dahil dito, tatanggap kayo ng mas mabigat na parusa.]