Mateo 23

“Nakakaawa kayong mga bulag na tagaakay! Itinuturo ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa Templo, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa gintong nasa Templo, dapat niya itong tuparin.

Matthew 23:16 (UKJV) Woe unto you, all of you blind guides, which say, Whosoever shall swear by the temple, it is nothing; but whosoever shall swear by the gold of the temple, he is a debtor!

14Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Dinadaya ninyo ang mga biyuda upang makuha ang kanilang mga ari-arian, at pinagtatakpan ninyo ang inyong mga masasamang ginagawa sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Dahil dito, tatanggap kayo ng mas mabigat na parusa.]

15“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nilalakbay ninyo ang dagat at lupa, upang makahikayat ng kahit isang tao sa inyong pananampalataya. Ngunit kapag may nahikayat na kayo, ginagawa ninyo siyang mas masahol pa sa inyo at mas karapat-dapat pang parusahan sa impiyerno!

16“Nakakaawa kayong mga bulag na tagaakay! Itinuturo ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa Templo, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa gintong nasa Templo, dapat niya itong tuparin.

17Mga bulag! Mga hangal! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang Templo na nagpapabanal sa ginto?

18Itinuturo rin ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa altar, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa handog na nasa altar, dapat niya itong tuparin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.