Mateo 23

Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliliit na insekto sa inyong inumin, ngunit lumululon naman kayo ng kamelyo!

Matthew 23:24 (UKJV) All of you blind guides, which strain out a gnat, and swallow a camel.

22At kapag nanumpa siya sa langit, nanunumpa rin siya sa trono ng Diyos at sa Diyos mismo na nakaupo roon.

23“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa ng pagkain, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, ngunit huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.

24Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliliit na insekto sa inyong inumin, ngunit lumululon naman kayo ng kamelyo!

25“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang loob ng puso ninyoʼy puno naman ng kasakiman at katakawan.

26Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.