Mateo 23

Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng Templo at ng altar.

Matthew 23:35 (UKJV) That upon you may come all the righteous blood shed upon the earth, from the blood of righteous Abel unto the blood of Zacharias son of Barachias, whom all of you slew between the temple and the altar.

33“Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong! Hindi nʼyo matatakasan ang kaparusahan sa impiyerno!

34Kaya makinig kayong mabuti! Magpapadala ako sa inyo ng mga propeta, marurunong na tao na magtuturo sa inyo ng salita ng Diyos. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang ibaʼy ipapako sa krus. Ang ibaʼy hahagupitin ninyo sa inyong sinagoga, at tutugisin ninyo saan man sila magpunta.

35Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng Templo at ng altar.

36Talagang kayong mga nabubuhay sa panahong ito ang mananagot sa lahat ng mga kasalanang ito.

37“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinusugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.