8Nagalit ang mga alagad ni Hesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan?
9Maibebenta sana ʼyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.”
10Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin.
11Ang mga mahihirap ay palagi ninyong makakasama, ngunit ako ay hindi.
12Binuhusan niya ako ng pabango para ihanda ang aking katawan sa aking libing.