63Hindi sumagot si Hesus. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Sa ngalan ng buháy na Diyos, sabihin mo sa amin ngayon: Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Diyos?”
64Sumagot si Hesus, “Ikaw na mismo ang nagsabi. At nais kong sabihin sa inyong lahat na mula ngayon ay makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siyang dumarating mula sa ulap.”
65Nang marinig iyon ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Nilalapastangan niya ang Diyos! Kailangan pa ba natin ng mga saksi? Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos!
66Ano ngayon ang hatol ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay.”
67Dinuraan nila si Hesus sa mukha at binugbog. Sinampal naman siya ng iba,