5Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”
6Habang si Hesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat,
7lumapit sa kanya ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. At habang kumakain si Hesus, ibinuhos ng babae ang pabango sa ulo ni Hesus.
8Nagalit ang mga alagad ni Hesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan?
9Maibebenta sana ʼyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.”