9Sa pangyayaring iyon, natupad ang ipinahayag ni Propeta Jeremias nang sabihin niya, “Kinuha nila ang tatlumpung pirasong pilak, ang halagang napagkasunduan ng mga taga-Israel na ipambili sa kanya,
10at ginamit nila ang pera bilang pambili ng bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”
11Nang madala na si Hesus kay Pilato, tinanong siya nito, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”
12Ngunit hindi sumagot si Hesus sa mga paratang ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo.
13Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?”