43Nagtitiwala siya sa Diyos at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Ngayon, tingnan natin kung talagang ililigtas siya ng Diyos!”
44Maging ang mga tulisang ipinakong kasama niya ay iniinsulto rin siya.
45Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras.
46Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Hesus nang malakas, “Eli, Eli, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit nʼyo ako pinabayaan?”
47Nang marinig iyon ng mga nakatayo roon, sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.”