Mateo 27

Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato para takpan ang pintuan ng libingan, at saka umalis.

Matthew 27:60 (UKJV) And laid it in his own new tomb, which he had hewn out in the rock: and he rolled a great stone to the door of the tomb, and departed.

58Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. At iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya.

59Kaya kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng malinis na telang lino.

60Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato para takpan ang pintuan ng libingan, at saka umalis.

61Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.

62Kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, pumunta ang mga namamahalang pari at ang mga Pariseo kay Pilato.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.