Mateo 27

Kaya napagkasunduan nilang gamitin ang salapi para bilhin ang bukid ng magpapalayok at gawing libingan para sa mga dayuhan.

Matthew 27:7 (UKJV) And they took counsel, and bought with them the potter's field, to bury strangers in.

5Itinapon ni Judas sa Templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.

6Pinulot ng mga namamahalang pari ang salapi at sinabi, “Labag sa Kautusan na ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng Templo, dahil bayad ito sa buhay ng isang tao.”

7Kaya napagkasunduan nilang gamitin ang salapi para bilhin ang bukid ng magpapalayok at gawing libingan para sa mga dayuhan.

8Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinatawag pa rin ang lugar na iyon na Bukid ng Dugo.

9Sa pangyayaring iyon, natupad ang ipinahayag ni Propeta Jeremias nang sabihin niya, “Kinuha nila ang tatlumpung pirasong pilak, ang halagang napagkasunduan ng mga taga-Israel na ipambili sa kanya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.