Mateo 28

Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Matthew 28:19 (UKJV) Go all of you therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit:

17Nang makita nila si Hesus, sumamba sila sa kanya, subalit may ilan sa kanilang may pag-aalinlangan.

18Lumapit sa kanila si Hesus at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.

19Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

20Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.