10Ngunit sumagot si Hesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”
11Pagkatapos nito, iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.
12Nang mabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea.
13Ngunit hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa baybayin ng Lawa ng Galilea at sakop ng Zebulun at Neftali.
14Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias: