4Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
5Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa pinakatuktok ng Templo.
6At sinabi niya kay Hesus, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: ‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka. Bubuhatin ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’”
7Sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’”
8Muli, dinala ng diyablo si Hesus sa isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kadakilaan ng mga ito.