Mateo 4

At sinabi ng diyablo kay Hesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaʼy magpapatirapa at sasamba sa akin.”

Matthew 4:9 (UKJV) And says unto him, All these things will I give you, if you will fall down and worship me.

7Sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’”

8Muli, dinala ng diyablo si Hesus sa isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kadakilaan ng mga ito.

9At sinabi ng diyablo kay Hesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaʼy magpapatirapa at sasamba sa akin.”

10Ngunit sumagot si Hesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

11Pagkatapos nito, iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.