1Nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga alagad niya,
2at nagsimula siyang mangaral. Sinabi niya,
3“Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
4Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.