Mateo 5

“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mahalin mo ang iyong kapwa, at kamuhian mo ang iyong kaaway.’

Matthew 5:43 (UKJV) All of you have heard that it has been said, You shall love your neighbour, and hate yours enemy.

41Kung may pipilit saʼyo na pasanin ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro.

42Bigyan mo ang sinumang nanghihingi sa iyo, at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.”

43“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mahalin mo ang iyong kapwa, at kamuhian mo ang iyong kaaway.’

44Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.

45Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.