Mateo 5

Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Diyos? Hindi baʼt ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis?

Matthew 5:46 (UKJV) For if all of you love them which love you, what reward have all of you? do not even the publicans the same?

44Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.

45Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.

46Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Diyos? Hindi baʼt ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis?

47At kung ang inyong kapwa lamang ang inyong binabati, may nagawa ba kayong nakahihigit sa iba? Hindi baʼt ginagawa rin ʼyan ng mga Hentil?

48Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.