19“Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito.
20Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito.
21Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
22“Ang mata ay parang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan.
23Ngunit kung malabo ang iyong mata, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung dumilim ang ilaw na nasa iyo, magiging napakadilim ng iyong kalagayan.