Mateo 6

“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Gustong-gusto nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto ng lansangan para makita sila ng ibang tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila nang buo ang kanilang gantimpala.

Matthew 6:5 (UKJV) And when you pray, you shall not be as the hypocrites are: for they love to pray standing in the synagogues and in the corners of the streets, that they may be seen of men. Verily I say unto you, They have their reward.

3Sa halip, kung magbibigay kayo ng limos, huwag ninyong ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng inyong kanang kamay,

4upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.”

5“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Gustong-gusto nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto ng lansangan para makita sila ng ibang tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila nang buo ang kanilang gantimpala.

6Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.

7At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga Hentil. Akala nilaʼy pakikinggan sila kung marami silang sinasabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.