6“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga itinuturing na banal, dahil baka balingan nila kayo at lapain. At huwag din ninyong ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas, dahil tatapak-tapakan lang nila ang mga ito.
7“Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.
8Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
9“Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung humihingi siya ng tinapay?
10O ng ahas kung humihingi siya ng isda?