24At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog.
25Kaya nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising. Sumigaw sila, “Panginoon, iligtas nʼyo kami! Malulunod na tayo!”
26Sumagot si Hesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat.
27Namangha ang mga alagad niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!”
28Pagdating ni Hesus sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng demonyo na galing sa mga kuwebang libingan. Napakabangis nila, kaya walang makadaan doon.