Mateo 8

Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon ang buong pangyayari, pati na ang nangyari sa dalawang lalaking sinapian ng demonyo.

Matthew 8:33 (UKJV) And they that kept them fled, and went their ways into the city, and told every thing, and what was befallen to the possessed of the devils.

31Nagmakaawa ang mga demonyo sa kanya, “Kung palalayasin mo kami, papuntahin mo na lang kami sa mga baboy na iyon.”

32Sinabi niya, “Sige, lumayas na kayo!” Kaya lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan ng baboy pababa ng burol, nahulog sa lawa at nalunod.

33Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon ang buong pangyayari, pati na ang nangyari sa dalawang lalaking sinapian ng demonyo.

34Kaya lumabas ang mga tao sa bayang iyon para puntahan si Hesus, at nang makita nila siya, nakiusap sila na lisanin niya ang lupain nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.