Mateo 9

Nang makita niya ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil litong-lito sila at walang tumutulong sa kanila tulad ng tupang walang pastol.

Matthew 9:36 (UKJV) But when he saw the multitudes, he was moved with compassion on them, because they fainted, and were scattered abroad, as sheep having no shepherd.

34Ngunit sinabi ng mga Pariseo, “Ang pinuno ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

35Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon, at nagturo siya sa mga sinagoga. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang ibaʼt ibang uri ng sakit at karamdaman.

36Nang makita niya ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil litong-lito sila at walang tumutulong sa kanila tulad ng tupang walang pastol.

37Kaya sinabi niya sa mga alagad niya, “Marami ang aanihin, ngunit kakaunti ang tagapag-ani.

38Idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.