Nahum 2

Sapagkat sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal. Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”

Nahum 2:13 (UKJV) Behold, I am against you, says the LORD of hosts, and I will burn her chariots in the smoke, and the sword shall devour your young lions: and I will cut off your prey from the earth, and the voice of your messengers shall no more be heard.

11Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang puwedeng manakit sa kanila sa yungib.

12Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima. Ngunit ngayon, ang Nineve ay wawasakin na.

13Sapagkat sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal. Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.