14Humanda na kayo sa pagsalakay ng inyong kalaban. Mag-ipon na kayo ng tubig. Patibayin ninyo ang mga pader sa palibot ng inyong lungsod. Gumawa kayo ng mga tisa at ayusin ninyo ang mga pader na ito.
15Pero mamamatay kayo sa inyong kinaroroonan sa pamamagitan ng apoy at espada. Para kayong halamanang sinalakay ng mga balang. Dumami kayo na parang balang!
16Pinarami ninyo ang inyong mga mangangalakal na higit pa sa mga bituin sa langit. Subalit magiging tulad sila ng mga balang na pagkatapos na maubos ang mga tanim ay lumipad nang palayo.
17Ang inyong mga tagapagbantay at mga opisyal ay kasindami ng mga balang na nakadapo sa mga pader kapag malamig ang panahon. Ngunit pagsikat ng araw ay nagliliparan at walang nakakaalam kung saan sila pumunta.
18Hari ng Asiria, patay na ang iyong mga pinuno. Ang mga maharlika moʼy hindi na magigising kailanman. Nakakalat sa kabundukan na parang mga tupa ang iyong mamamayan, at wala nang magtitipon sa kanila.