Nahum 3

Ang katulad moʼy nasugatan nang malubha na hindi gumagaling. Ang lahat ng makakabalita sa sinapit mo ay magpapalakpakan sa tuwa, dahil silang lahat ay nakaranas ng iyong kalupitan.

Nahum 3:19 (UKJV) There is no healing of your bruise; your wound is grievous: all that hear the bruit of you shall clap the hands over you: for upon whom has not your wickedness passed continually?

17Ang inyong mga tagapagbantay at mga opisyal ay kasindami ng mga balang na nakadapo sa mga pader kapag malamig ang panahon. Ngunit pagsikat ng araw ay nagliliparan at walang nakakaalam kung saan sila pumunta.

18Hari ng Asiria, patay na ang iyong mga pinuno. Ang mga maharlika moʼy hindi na magigising kailanman. Nakakalat sa kabundukan na parang mga tupa ang iyong mamamayan, at wala nang magtitipon sa kanila.

19Ang katulad moʼy nasugatan nang malubha na hindi gumagaling. Ang lahat ng makakabalita sa sinapit mo ay magpapalakpakan sa tuwa, dahil silang lahat ay nakaranas ng iyong kalupitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.