1Kahabag-habag ang lungsod ng Nineve. Ito ay puno ng kasakiman at kasinungalingan, lungsod ng mamamatay-tao at hindi nauubusan ng mabibiktima.
2Sasalakayin sila ng mga kalaban nila. Maririnig nila ang hagupit ng latigo, ang ingay ng mga gulong ng mga karwahe, ang yabag ng paa ng mga kabayo, at ang rumaragasang mga karwahe.
3Makikita nila ang sumusugod na mga mangangabayo, ang kumikinang na mga espada at mga sibat, at ang nakabuntong mga patay na di-mabilang. Matitisod sa mga bangkay ang mga sundalo.
4Mangyayari ito sa Nineve dahil para siyang babaeng bayaran, isa siyang mapang-akit na mangkukulam. Sa pang-aakit niya, naaalipin niya ang mga bansa; sa panggagayuma niya, nasasakop niya sila.