31Dinala ko ang mga pinuno ng Juda sa itaas ng pader, at tinipon ko roon ang dalawang malalaking grupo ng mga mang-aawit upang magpasalamat. Ang isang grupo naman ay nagmartsa roon sa itaas papunta sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.
32Sumusunod sa kanila sina Hosaias at ang kalahati ng mga pinuno ng Juda,
33kasama rin sina Azarias, Ezra, Mesulam,
34Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,
35at ilang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta. Sumusunod din si Zacarias na anak ni Jonatan. (Si Jonatan ay anak ni Semaias. Si Semaias ay anak ni Matanias. Si Matanias ay anak ni Micaias. At si Micaias ay anak ni Zacur na angkan ni Asaf.)