38Ang ikalawang grupo ay nagmartsa pakaliwa sa itaas ng pader. Sumunod ako sa grupong ito kasama ang kalahati ng mamamayan. Dumaan kami sa gilid ng Tore na May Hurno papunta sa Malapad na Pader.
39Mula roon dumaan kami sa Pintuan ni Efraim, sa Lumang Pintuan, sa pintuang tinatawag na Isda, sa Tore ni Hananel, at sa Tore ng Isang Daan. Pagkatapos, dumaan kami sa pintuan na tinatawag na Tupa at huminto sa may Pintuan ng Guwardiya.
40Ang dalawang grupo na nagpapasalamat sa Diyos habang nagmamartsa ay dumiretso sa bahay ng Diyos. Dumiretso rin ako roon at ang kalahati ng mga opisyal na kasama ko.
41Naroon din ang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta na sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias at Hananias,
42at ang mga mang-aawit na sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquias, Elam, at Ezer. Sila ang mga mang-aawit na pinamumunuan ni Jezrahias.