41Naroon din ang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta na sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias at Hananias,
42at ang mga mang-aawit na sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquias, Elam, at Ezer. Sila ang mga mang-aawit na pinamumunuan ni Jezrahias.
43Nang araw na iyon, nag-alay sila ng maraming handog at nagsaya, dahil lubos silang pinagalak ng Diyos. Pati ang mga babae at mga bata ay naging masaya rin. Kaya ang ingay ng pagsasaya nila sa Jerusalem ay naririnig kahit sa malayo.
44Nang araw ding iyon, naglagay sila ng mga lalaki na mamamahala sa mga bodega na pinaglalagyan ng mga kaloob, ng unang ani, at ng ikapu. Sila ang mangongolekta ng mga handog mula sa mga sakahan sa paligid ng mga bayan para sa mga pari at sa mga Levita, ayon sa Kautusan. Sapagkat natutuwa ang mga mamamayan ng Juda sa mga gawain ng mga pari at ng mga Levita.
45Ginawa nila ang seremonya sa paglilinis at ang iba pang mga gawain na ipinapatupad sa kanila ng Diyos. Ginawa rin ng mga mang-aawit at ng mga tagapagbantay ng Templo ang mga gawain nila ayon sa mga utos ni Haring David at ng anak niyang si Solomon.