11Pagkalipas ng tatlong araw mula nang dumating ako sa Jerusalem,
12umalis ako nang hatinggabi na may ilang kasama. Hindi ko sinabi kahit kanino ang gustong ipagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Wala kaming dalang ibang hayop maliban sa sinasakyan kong asno.
13Lumabas kami sa pintuang nakaharap sa lambak at pumunta sa Balon ng Dragon hanggang sa may pintuan ng pinagtatapunan ng basura. Pinagmasdan kong mabuti ang mga nagibang pader ng Jerusalem at ang mga pintuan nitong nasunog.
14Nagpatuloy ako sa Pintuan ng Bukal hanggang sa Paliguan ng Hari, pero hindi makaraan doon ang asno ko.
15Kaya tumuloy na lang ako sa Lambak ng Kidron, at siniyasat ang mga pader nang gabing iyon. Pagkatapos, bumalik ako at muling dumaan sa pintuang nakaharap sa lambak.