32Mula sa mga anak na lalaki ni Jose: Mula sa mga apo ni Efraim: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
33Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Efraim ay 40,500.
34Mula sa mga apo ni Manases: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
35Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Manases ay 32,200.
36Mula sa mga apo ni Benjamin: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.