36Mula sa mga apo ni Benjamin: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
37Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Benjamin ay 35,400.
38Mula sa mga apo ni Dan: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
39Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Dan ay 62,700.
40Mula sa mga apo ni Asher: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.