33Kaya umalis sila sa bundok ng Panginoon at naglakbay nang tatlong araw. Nasa unahan nila palagi ang Kahon ng Kasunduan para humanap ng lugar na kanilang mapagpapahingahan.
34Kung araw, ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila kapag naglalakbay sila.
35SA tuwing dadalhin ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises, “O Panginoon, manguna po kayo. At nawaʼy magkawatak-watak ang mga kaaway ninyo. Nawaʼy magsilayas sila sa harapan mo.”
36At kapag inihihinto na nila sa paglalakbay ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises, “Panginoon, bumalik na po kayo dito sa libu-libong mamamayan ng Israel.”