Mga Bilang 10

“Kapag naroon na kayo sa inyong lupain, at makikipaglaban na sa inyong mga kaaway na umaapi sa inyo, patunugin ninyo ang trumpeta, at ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay aalalahanin kayo at ililigtas kayo sa inyong mga kaaway.

Numbers 10:9 (UKJV) And if all of you go to war in your land against the enemy that oppresses you, then all of you shall blow an alarm with the trumpets; and all of you shall be remembered before the LORD your God, and all of you shall be saved from your enemies.

7Ngunit iba ang pagpapatunog ng trumpeta kapag titipunin sila.

8“Ang mga angkan ni Aaron na mga pari ang magpapatunog ng mga trumpeta. Ang mga tuntuning ito ay dapat ninyong tuparin at ng susunod pang mga henerasyon.

9“Kapag naroon na kayo sa inyong lupain, at makikipaglaban na sa inyong mga kaaway na umaapi sa inyo, patunugin ninyo ang trumpeta, at ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay aalalahanin kayo at ililigtas kayo sa inyong mga kaaway.

10At sa panahon ng inyong pagdiriwang, tulad ng mga nakatakdang pista at mga pista tuwing simula ng bagong buwan, patutunugin din ninyo ang mga trumpeta kung mag-aalay kayo ng mga handog na sinusunog at handog pangkapayapaan. Ang mga trumpetang ito ang magpapaalala sa akin na inyong Diyos ng aking kasunduan sa inyo. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.”

11Nang ikadalawampung araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang inilabas ang mga Israelita sa Ehipto, pumaitaas ang ulap mula sa Toldang Tipanan kung saan nakalagay ang Kasunduan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.