24Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
25Sa gawing hilaga, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Dan ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amishadai.
26Nasa 62,700 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
27Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Asher. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran.
28Nasa 41,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.