1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
2“Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng kani-kanilang bandila, kasama ang sagisag ng kani-kanilang lipi. Kailangan nilang itayo ang mga tolda nila sa palibot ng Toldang Tipanan na nakaharap rito.”
3Sa gawing Silangan, sa dakong sinisikatan ng araw, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Juda ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.
4Nasa 74,600 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
5Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Isacar. Ang pinuno ng lipi ni Isacar ay si Netanel na anak ni Zuar.