31Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
32Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na naitala ayon sa kani-kanilang lipi ay 603,550 lahat.
33Ngunit hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
34Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.