5Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Isacar. Ang pinuno ng lipi ni Isacar ay si Netanel na anak ni Zuar.
6Nasa 54,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
7Kasunod niya ang tribo ni Zebulun, at ang kanilang pinuno ay si Eliab na anak ni Helon.
8Nasa 57,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
9Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Juda ayon sa kani-kanilang pangkat ay 186,400. Sila ang mauuna kapag naglalakbay ang mga Israelita.