33Pagkatapos, nagpunta naman sila sa Bashan, ngunit sinalakay sila ni Haring Og ng Bashan at ng lahat ng mga sundalo nito doon sa Edrei.
34Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya at ang kanyang mga sundalo sa iyo, pati ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”
35Kaya pinagpapatay ng mga Israelita si Og pati ang kanyang mga anak at ang lahat ng kanyang mamamayan, kaya walang natira sa kanila. At inangkin ng mga Israelita ang lupaing sakop ni Og.