5ay nagsugo ng mga mensahero para ipatawag si Balaam na anak ni Beor na naninirahan sa Petor, malapit sa Ilog Eufrates, kung saan siya ipinanganak. Ito ang mensahe ni Balak: “May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami at naninirahan sila malapit sa amin.
6Kaya pumunta ka rito at sumpain ang mga taong ito dahil mas makapangyarihan sila kaysa sa amin. At baka sakaling matalo ko sila at maitaboy palayo sa aking lupain. Dahil nalalaman ko na ang sinumang isinusumpa mo ay nasusumpa.”
7Kaya naglakbay ang mga tagapamahala ng Moab at Midian na dala ang bayad para kay Balaam. Sinabi nila sa kanya ang sinabi ni Balak.
8At sinabi ni Balaam sa kanila, “Dito na lang kayo matulog ngayong gabi at sasabihin ko sa inyo bukas kung ano ang sasabihin ng Panginoon sa akin.” Kaya doon natulog ang mga pinuno ng Moab.
9Nagtanong ang Diyos kay Balaam, “Sino ang mga taong ito na kasama mo?”