14Ang Israelitang namatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilya na lahi ni Simeon.
15At ang Midianitang babae ay si Cosbi na anak ni Zur. Si Zur ay isang pinuno ng isang pamilyang Midianita.
16Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17“Ituring ninyong kaaway ang mga Midianita, at patayin ninyo sila,
18dahil itinuring din nila kayong kaaway sa pamamagitan ng panlilinlang sa inyo roon sa Peor at dahil din kay Cosbi na anak ng isang pinunong Midianita. Pinatay ang babaeng ito noong dumating ang salot sa Peor.”