Mga Bilang 26

“Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”

Numbers 26:2 (UKJV) Take the sum of all the congregation of the children of Israel, from twenty years old and upward, throughout their fathers' house, all that are able to go to war in Israel.

1Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron,

2“Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”

3Kaya nakipag-usap sina Moises at ang paring si Eleazar sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

4Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na dalawampung taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.” Ito ang mga Israelitang lumabas sa Ehipto:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.