1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo sa mga Israelita na kailangan silang maghandog sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy sa nakatakdang panahon. Ang mga handog na ito ay ang pagkain ko, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa akin. Kaya sabihin mo ito sa mga Israelita:
3‘Ito ang mga handog na pagkaing inyong iaalay sa Panginoon araw-araw: dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan bilang handog na sinusunog.